^

Metro

Pulis nabaril ng kabaro, grabe

-
Nasa kritikal na kondisyon ngayon ang isang pulis Quezon City makaraang pagbabarilin ng kanyang kapwa pulis dahil sa pakiki-alam sa hinahabol na drug pusher sa tapat ng gasolinahan kahapon ng madaling araw sa Quezon City.

Ginagamot ngayon sa Chinese General Hospital ang biktima na nakilalang si PO1 Oliver Cancho, 32, ng 226 Taraville St. Sta. Lucia, Novaliches,Q.C. at nakatalaga sa CPD-Galas Station matapos na magtamo ng tama ng baril sa dibdib at tiyan.

Kasalukuyan namang nakapiit sa CPD-Galas Station ang suspect na si PO1 Jovanni Tabirao, 25, binata ng 29 P. Florentino St. Brgy. Sto. Domingo, Q.C. at nakatalaga sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) habang inihahanda ang kasong isasampa dito,

Batay sa inisyal na ulat ni PO2 Jun Fabre ng CPD-CIU, dakong alas 2 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa tapat ng Shell Gasoline Station sa may Araneta Ave. ng naturan ding lungsod.

Napadaan sa lugar si Cancho lulan ng kanyang sasakyan nang mamataan si Tabirao na hinahabol ang dalawang hindi kilalang lalaki.

Lumapit ang dalawang lalaki kay Cancho na sinundan naman ni Tabirao hanggang sa magkaroon ng mainitang pagtatalo at barilin ng huli ang una.

Agad namang rumesponde ang mga awtoridad kung kaya’t nadakip si Tabirao habang nagawa namang makatakas ng dalawang lalaki na pinaniniwalaang mga drug pusher.

Sinabi ni Tabirao na matagal na niyang minamanmanan ang dalawang lalaki dahil na rin sa mga impormasyon na nagtutulak ng droga ang mga ito. (Ulat ni Doris Fanche)

ARANETA AVE

CANCHO

CHINESE GENERAL HOSPITAL

DORIS FANCHE

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

FLORENTINO ST. BRGY

GALAS STATION

JOVANNI TABIRAO

QUEZON CITY

TABIRAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with