^

Metro

Suspendidong BuCor director pinasisibat na ng DOJ

-
Ipinag-utos ng Department of Justice kay suspended Bureau of Correction Director Ricardo Macala na tuluyan na nitong lisanin ang paninirahan nito sa Director’s Quarter sa loob ng New Bilibid Prisons (NBP) at sundin nito ang ipinalabas na suspension order.

Sa naging pahayag ni Justice Undersecretary at Officer-in-Charge ng BuCor Ramon Liwag, isang memorandum laban kay Macala ang kanyang ipinalabas laban sa suspendidong direktor upang lisanin na nito ang nasabing bahay at isauli ang kotse at iba pang mga kagamitan na ipinahiram sa kanya ng departamento sa lalong madaling panahon.

Ayon pa kay Usec. Liwag, binigyan na rin ng mahabang panahon si Macala para makapaghanda upang pansamantalang iwan ang paninirahan sa naturang bahay habang hindi pa natatapos ang suspension order.

Habang hindi pa rin natatapos ang 90 days preventive suspension na ibinaba ng Malacañang laban kay Macala ay wala itong karapatang manirahan sa Director’s Quarter, gumamit ng anumang pasilidad at tumanggap ng anumang benepisyo at allowance.

Hindi na rin umano dapat na umabot pa sa ganitong sitwasyon na kailangan pang utusan na umalis si Macala sa nasabing bahay kung agad lang niyang iginalang ang suspension order.

Bago pa man ito ay isang ulat ang natanggap ni Liwag kung saan sinasabing patuloy pa rin sa paninirahan sa Director’s Quarter si Macala sa kabila ng pagiging suspendido nito. (Ulat ni Ellen Fernando)

AYON

BUREAU OF CORRECTION DIRECTOR RICARDO MACALA

DEPARTMENT OF JUSTICE

ELLEN FERNANDO

HABANG

JUSTICE UNDERSECRETARY

LIWAG

MACALA

NEW BILIBID PRISONS

RAMON LIWAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with