^

Metro

Mother's Day Tragedy: Ginang nagbigti

-
Hindi na umabot sa pagdiriwang ng ‘Mothers Day’ ang isang ginang matapos itong magpakamatay sa pamamagitan nang pagbibigti dahilan sa umano’y problema sa pamilya kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Patay na nang matagpuang nakabitin sa laundry room sa loob ng kanilang bahay, gamit ang isang extension wire ang ginang na si Caroline Buhay, 29, ng Block 6, Lot 11, Phase 4, Ipil St., Natividad Subdivision ng nasabing lungsod.

Sa ulat, dakong alas-9 ng umaga ng matagpuan ni Aling Concepcion ang bangkay ng kanyang anak na nakabitin sa loob ng nasabing bahay.

Nabatid na kararating pa lamang ni Aling Concepcion galing sa pagbisita sa ilang kamag-anak ng mapansin nito na nakabukas ang pinto sa bahay ng biktima.

Agad nitong tinawag ang anak ngunit hindi ito sumasagot. Nagulat na lamang ito nang makita na nakabigti ang anak sa may laundry room.

Sinasabing problema sa pamilya ang dahilan kaya nagpakamatay ang nasabing ginang. Patuloy namang iniimbestigahan ang insidente para matiyak na walang naganap na foul play sa kaso. (Ulat ni Rose Tamayo)

ALING CONCEPCION

CALOOCAN CITY

CAROLINE BUHAY

IPIL ST.

MOTHERS DAY

NABATID

NAGULAT

NATIVIDAD SUBDIVISION

PATAY

ROSE TAMAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with