Tsinoy na trader pinatay ng kinupkop na binatilyo
May 11, 2003 | 12:00am
Isang 36-anyos na Chinese-Filipino trader ang pinaslang ng isang binatilyong kanyang kinupkop makaraang maglayas sa kanilang lalawigan, kahapon ng umaga sa Quezon City.
Nakilala ang nasawi na si William Go, ng #39 Scout Chuatoco St., Roxas District, Quezon City na nagtamo ng malalalim na sugat sa ulo makaraang pagpapaluin ng matigas na bagay ng suspect na nakilala lamang sa alyas na Kimpert.
Base sa ulat ng pulisya, si Kimpert, 19, ay dumating sa bahay ng mga Go noong nakalipas na Abril 7. Naawa ang pamilya Go sa suspect na sinasabing lumayas sa probinsiya at walang nakuhang trabaho sa Maynila.
Pinatuloy sa bahay at binigyan ng hanapbuhay bilang houseboy. Kahapon ay iniwan ni Nora, maybahay ng nasawi ang kanyang mister na natutulog sa bahay habang si Kimpert naman ay nagwawalis sa bakuran dakong alas-8 ng umaga.
Sa kanyang pagbalik nakita niya ang kanyang mister na naliligo sa sariling dugo habang wala na ang suspect.
Ayon sa mga testigo, nakita nila si Kimpert na may dalang bag at nagmamadaling umalis sa bahay na punumpuno ng mga gamit na kinulimbat sa pamilya Go. Pinaghahanap ito ng mga awtoridad. (Ulat ni Jerry Botial)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended