^

Metro

Taas pasahe sa jeep nakabitin pa rin

-
Patuloy na nakabitin ang kahilingan ng mga grupo ng jeepney operators and drivers’ nationwide na maitaas ng P1.50 ang minimum na pasahe sa lahat ng pampasaherong jeep.

Ito ay makaraang itakda ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) sa Mayo 27 ng taong ito ang pagdinig ng publiko hinggil sa taas sa pasahe.

Sa isang panayam, sinabi ni LTFRB Chairman Dante Lantin na uupuan nilang muli sa nabanggit na petsa ang fare increase petition ng transport groups.

"Hinihingan namin sila ng dagdag na ebidensiya na nagpapatunay na kailangang itaas ang singil sa pasahe sa mga pampasaherong jeep. Hindi naman agad madedesisyunan ng LTFRB ang bagay na ’yan dahil nakasalalay diyan ang kapakanan ng maliliit na mamamayan," pahayag ni Lantin. (Ulat ni Angie dela Cruz)

ANGIE

CHAIRMAN DANTE LANTIN

CRUZ

HINIHINGAN

LAND TRANSPORTATION AND FRANCHISING REGULATORY BOARD

LANTIN

LTFRB

PATULOY

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with