Katulong tumalon mula sa rooftop ng gusali
May 6, 2003 | 12:00am
Dahil sa hindi matanggap ang pagkamatay ng kanyang ama, minabuti ng isang 48-anyos na katulong na wakasan na rin ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagtalon mula sa rooftop ng building, kamakalawa ng gabi sa Binondo, Manila.
Nagkalasug-lasog ang buong katawan at nagkalat ang utak nang lumagapak mula sa rooftop si Magdalena Bete, katulong sa Unit 1501 ng #818 La Grandia Mansion na matatagpuan sa Gandara St., Binondo, Manila.
Batay sa isinagawang imbestigasyon ni Det. Ed Cabal ng homicide division ng WPD, tumalon ang biktima dakong alas-7:15 ng gabi.
Lumalabas na bago naganap ang pagpapakamatay ni Bete ay umuwi ito sa kanilang lalawigan sa Cagayan province upang makiluksa sa pagkamatay ng kanyang ama. Nagbakasyon ang nasawi sa loob ng may isang buwan.
Kamakalawa ay bumalik na si Bete sa kanyang amo. Kapansin-pansin umano ang pagiging matamlay at malungkutin nito subalit binalewala na lang ito ng kanyang mga amo dahil nga sa kamamatay pa lamang ng ama nito.
Nagpaalam pa umano si Bete sa amo na aakyat sa rooftop ng gusali upang magpahangin at hindi akalain ng mga ito na lulundag ito at magpapakamatay.
Ang La Grandia ay may 27 palapag kasama ang pinagtalunang rooftop.
Gayunman patuloy pa ring iniimbestigahan ang insidente upang matiyak na walang naganap na foul play. (Ulat ni Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended