^

Metro

Binirong matakaw sa pulutan nanaksak

-
Kritikal sa pagamutan ang isang 49-anyos na lalaki makaraang pagsasaksakin ito ng kanyang kainuman nang maasar ang huli matapos biruin ng una na matakaw sa pulutan ang huli kamakalawa ng gabi sa bayan ng Navotas.

Inoobserbahan sa Tondo Medical Center sanhi ng mga saksak sa katawan ang biktimang si Alfredo Manias, residente ng C-4 Road, Brgy. Bagumbayan North ng naturang bayan.

Kasalukuyan namang pinaghahanap ng mga awtoridad ang suspect na si Danilo Contreras, 26, at kapitbahay ng biktima na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Base sa nakalap na impormasyon, dakong alas-8:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng C-4 Road, di-kalayuan sa bahay ng suspect.

Nabatid na nag-iinuman ang biktima at ang suspect kasama ang ilang kaibigan nang makita ni Manias si Contreras na panay ang subo ng kanilang pulutan.

Biniro umano ni Manias si Contreras na matakaw dahilan sa ginawang parang kanin ang kanilang pulutan dahil sa sunud-sunod na pagsubo ng huli. Dahil dito, agad na nagalit si Contreras at kinumpronta si Manias hanggang sa mauwi sa mainitang pagtatalo ang dalawa.

Agad namang inawat ng kanilang mga kainuman ang dalawa at pansamantalang napayapa ang mga ito subalit makalipas ang ilang sandali ay biglang inilabas ni Contreras ang dalang patalim at inundayan ng saksak ang nabiglang si Manias.

Mabilis na isinugod sa nasabing pagamutan ng ilan nilang kainuman ang biktima habang agaran ang ginawang pagtakas ng suspect. (Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

ALFREDO MANIAS

BAGUMBAYAN NORTH

BINIRO

BRGY

CONTRERAS

DAHIL

DANILO CONTRERAS

INOOBSERBAHAN

ROSE TAMAYO

TONDO MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with