^

Metro

Lalaki tumalon mula sa fly over, dedo

-
Isang lalaki ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon sa fly over hanggang sa bumagsak sa isang sasakyan kahapon ng hapon sa Makati City.

Ang biktima ay may tattoo sa kamay nito na pangalang Ruben, nasa edad na 20 hanggang 25, naka T-shirt at brown na short at may taas na 5’3"-5’5".

Batay sa inisyal na ulat ni PO2 Jayson David, Homicide Section ng Makati City Police, naganap ang insidente dakong ala-1:11 ng hapon sa fly over ng Evangelista St., Brgy. Bangkal ng nabanggit na lungsod.

Bigla umanong tumalon ang biktima hanggang sa bumagsak ito sa isang L-300 van na may plakang UHP-859 na minamaneho ni Ramonito Duhat.

Ayon sa mga saksi, madalas nilang nakikita ang biktima na naglalakad sa fly over subalit hindi nila akalain na tatalon ito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

AYON

BANGKAL

BATAY

EVANGELISTA ST.

HOMICIDE SECTION

JAYSON DAVID

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE

RAMONITO DUHAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with