2 pedicab driver pinatay dahil sa pang-aagaw ng pasahero
May 5, 2003 | 12:00am
Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng dalawang pedicab driver ang kanilang mga kapwa pedicab driver makaraang agawin ng mga ito ang pasahero ng mga una kahapon ng madaling araw sa magkahiwalay na lugar sa Maynila at Quezon City.
Dead on arrival sa Ospital ng Maynila ang biktima na nakilalang si Anthony Perez, nasa hustong gulang, habang mabilis namang nakatakas ang suspect na nakilala lamang sa alyas na Boy Negro.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang krimen dakong alas 5 ng madaling araw sa Onyx St. sa San Andres, Maynila.
Bigla umanong sumakay sa pedicab ng biktima ang isang pasahero na ikinagalit ng suspect.
Bagamat humingi ng paumanhin ang biktima sinaksak ito ng suspect nang makatulog sa kanyang pedicab.
Samantala dakong ala 1 naman ng madaling araw nang saksakin ng suspect na si Ariel Plaza, 28, ng Sto. Niño St., Commonwealth Avenue, Q.C. ang biktimang si Joel Carbajal, 24, ng Adarna St. Pilot Area sa Brgy. Commonwealth.
Ayon sa suspect, lagi na lamang siyang inaagawan ng pasahero ng biktima kahit na sila ay may sinusunod na pila. (Ulat nina Rudy Andal at Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
October 7, 2026 - 12:00am
October 7, 2026 - 12:00am