Wanted arestado, nahulihan pa ng baril
May 4, 2003 | 12:00am
Patung-patong ang kahaharaping kaso ng isang lalaking wanted dahil sa umanoy pagpatay matapos na mahulihan pa ng baril habang inaaresto ng pulisya sa Quezon City kahapon.
Si Benjamin Collera, 25, ng 34 Moore St., Brgy. Bungad, Q.C. ay sinampahan ng kasong illegal possession of firearm matapos na makumpiskahan ng .45 kalibreng baril at mga bala nito.
Batay sa report ni Supt. Julius Cesar Abanez, hepe ng CPD-Baler Station, si Collera ay dinakip sa bisa ng ipinalabas na warrant of arrest ni Judge Rogelio Pizzarro ng QC RTC sa kasong homicide.
Sinabi ni Abanez na matagal ng pinaghahanap ang suspect at nang maispatan sa nasabing lugar ay nakapkapan pa ng baril. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 24, 2024 - 12:00am
December 23, 2024 - 12:00am