Dalaga binoga ng holdaper

Dahil sa pagtangging ibigay ang cellphone, nabutas ang pigi ng isang 36-anyos na dalaga nang barilin ng isa sa tatlong holdaper na nangholdap sa isang FX taxi na sinasakyan nito sa Marikina City kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Carina Duka, nakatira sa Phase II-B Karangalan Village, Pasig City na nagtamo ng isang tama ng bala ng baril ng mga di-pa kilalang suspect.

Sa pagsisiyasat ng Marikina City Police, dakong alas-10 ng gabi habang sakay ang biktima kasama ang iba pang pasahero sa isang FX taxi na bumabagtas sa kahabaan ng Marcos Highway, Industrial Valley, nasabing lungsod nang maghayag ng holdap ang mga suspect na nagpanggap ding mga pasahero.

Habang isa-sang nililimas ng mga suspect ang mga alahas, pera at cellphone ng mga pasahero ay tumanggi si Duka na ibigay ang kanyang cellphone.

Nairita ang isang holdaper at agad na binaril ang biktima. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments