^

Metro

Amain nanermon, tinarakan ng anak-anakan

-
Dinakip ng mga tauhan ng pulisya ang isang 22-anyos na lalaki makaraang saksakin nito ang kanyang amain na nanermon sa kanya kaugnay sa bisyo nitong droga, kamakalawa ng gabi sa Makati City.

Nasa malubhang kalagayan sa PGH ang biktima na nakilalang si Rodolfo Chico, 52, sanhi ng tinamong saksak sa katawan at hita.

Nakilala naman ang nadakip na suspect na si Jocques Carlo Sagarol.

Base sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-9:45 ng gabi sa bahay ng dalawa sa Brgy. Kasilawan sa nabanggit na lungsod.

Napag-alaman na sinermunan ng biktima ang anak-anakan tungkol sa bisyo nitong pagsa-shabu na ikinagalit naman ng huli.

Minasama ng suspect ang sermon sa kanya kaya mabilis itong naglabas ng patalim at sinaksak ang amain. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BRGY

DINAKIP

JOCQUES CARLO SAGAROL

KASILAWAN

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

MINASAMA

NAKILALA

NAPAG

RODOLFO CHICO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with