Navy patay sa pulis
May 3, 2003 | 12:00am
Isang tauhan ng Phil. Navy ang iniulat na nasawi makaraang mabaril ng isang lasing na pulis na tinangkang awatin ng una makaraang tutukan ng huli ng baril ang isang babae, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.
Nakilala ang nasawi na si EN1 Roberto Panapanaan, 33, nakatalaga sa Reserve Command ng PN at naninirahan sa Camarin ng nabanggit na lungsod.
Pinaghahanap naman ang suspect na si SPO4 Bernaredo Avenido, 45, nakatalaga sa Traffic Management Group sa Camp Crame.
Base sa report, dakong alas-11:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa harap ng isang tindanan sa Barangay 177, Camarin.
Nabatid na bago ito, tinutukan ng baril ng lasing na suspect ang isang Myrna Dublin, nagkataon namang napadaan ang biktima na nagtangkang umawat sa suspect.
Gayunman, ang biktima ang binalingan ng suspect nang tutukan ng baril kung kaya nagpasya ang una na agawin ang baril ng huli.
Habang nag-aagawan ang dalawa ay narinig ang malakas na putok hanggang sa bigla na lamang duguang bumulagta ang biktima, habang mabilis namang tumakas ang suspect. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended