Chinese trader binoga, napatay ng 5 holdaper
May 3, 2003 | 12:00am
Isang negosyanteng Intsik ang binaril at napatay ng limang hindi pa nakikilalang holdaper kamakalawa ng hapon sa tapat ng isang bangko sa Banawe St., Quezon City.
Patay na nang idating sa National Orthopedic Hospital ang biktima na nakilalang si Thomas Po, 46, ng Sct. Alcaraz St., ng naturang lungsod sanhi ng tinamo nitong dalawang tama ng bala ng baril sa katawan.
Mabilis namang nakatakas ang mga suspect lulan ng isang kotse na hindi nakuha ang plaka.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, papasakay na ng kanyang kotse si Po dakong alas-4 ng hapon mula sa Keppel Bank na nasa panulukan ng Del Monte at Biak-na- Bato Sts. nang bigla itong harangin ng dalawa sa limang suspect na armado ng mga baril.
Pilit umanong kinukuha ng mga suspect ang pera ni Po subalit nanlaban ito kaya agad itong binaril ng dalawa sa mga suspect at saka mabilis na nagsitakas.
Malaki ang paniwala ng pulisya na tiniktikan na ng mga suspect ang pagpasok ng biktima sa bangko at ang ginawa nitong pagwi-withdraw ng pera.
Patuloy ang isinasagawang operasyon laban sa mga suspect. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended