Miyembro ng pyramid gang, arestado
May 2, 2003 | 12:00am
Bumagsak sa mga awtoridad ang isang pinaghihinalaang miyembro ng kontrobersiyal na pyramiding scheme syndicates na aktibong kumikilos sa Metro Manila matapos ireklamo ng tatlo sa mga nabiktima nito na nang-estafa sa kanila ng may P.2 milyon sa isinagawang entrapment operation sa Mandaluyong City.
Nakilala ang nadakip na suspect na si Oliver Chavez, 24, ng New Antipolo St., Sta. Cruz, Manila.
Sinabi ni PO1 Nerito Lobrido, may hawak ng kaso na ang nadakip na suspect ay patuloy na isinasailalim sa masusing interogasyon upang alamin kung may koneksyon ito sa operasyon ng naarestong pyramid scam queen na si Maryjoy Baladjay, alyas Rose o kay Maria Teresa Santos ng MTST na kapwa sangkot sa nasabing ilegal na aktibidades.
Ang suspect ay nasakote dakong alas-7:30 ng gabi kamakalawa sa loob ng isang mall sa Mandaluyong City.
Dinakip ang suspect matapos ireklamo ng tatlo sa nabiktima nito na nakilalang sina May Trinidad, 21; Emelita Garcia, 30 at Ma. Theresa Malco, 32. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended