^

Metro

Traders sa Binondo umalma sa SARS

-
Isang rali ang isinagawa ng mga negosyanteng Intsik sa Binondo, Manila kahapon para pabulaanan ang napaulat na may biktima na ng SARS sa naturang lugar.

Ayon sa mga negosyanteng sumama sa rali, na walang katotohanan ang kumalat na ulat na nagtataglay ng sakit na SARS ang isang anak ng may-ari ng Eng Bee Ten store na siyang nagkalat ng sakit sa tinaguriang Chinatown.

Una nang napabalita na galing sa Guandong, China ang anak na babae ng may-ari ng nasabing tindahan kung kaya’t marami ang natakot partikular na ang mamimili ng mga produkto sa lugar.

Bunga ng balitang ito, humina na umano ang takbo ng kanilang negosyo dahil wala ng mamimili na nagtutungo sa lugar.

Umalma ang mga negosyante na nagsagawa ng pagpaparada sa naturang barangay at nagsabing walang SARS sa kanilang lugar.

Hinamon din ng Chinese community ang nagsimulang magkalat ng ulat na pangalanan ang sinasabing Intsik na nagdala ng nakamamatay na sakit sa Chinatown. (Ulat ni Grace dela Cruz)

AYON

BINONDO

BUNGA

CRUZ

ENG BEE TEN

GUANDONG

HINAMON

INTSIK

ISANG

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with