500 bahay nasunog dahil sa mga adik
May 1, 2003 | 12:00am
Aabot sa 500 kabahayan ang tinupok ng sunog na naganap kahapon ng madaling-araw sa Makati City na sinasabing nagmula lamang sa napabayaang kandila na ginamit ng isang grupo ng mga adik sa pagsinghot nila ng shabu.
Isang lolo rin ang malubhang nasugatan sa naganap na sunog na umabot sa Task Force Echo makaraang tumalon ito sa bintana dahil sa matinding takot sa naglalagablab na apoy.
Ayon sa ulat ng Makati City Fire Department naganap ang insidente dakong alas-4:40 ng madaling-araw sa Guijo Extension, Barangay Cembo ng nabanggit na lungsod.
Nagsimulang kumalat ang apoy buhat sa dalawang palapag ng bahay na pag-aari ni Celia Rapin.
Sa unang palapag ay nakatira ang isang Luis de Leon, habang sa itaas naman ay nanunuluyan ang isang alyas Itong, kapatid ni Rapin at kilalang adik sa naturang lugar.
Nabatid na sa ikalawang palapag ng bahay umano madalas magsagawa ng pagpa-pot session ang mga barkada ni Itong.
Bago naganap ang sunog sinabi ng mga awtoridad na nagkaroon ng pagpa-pot session ang magbabarkada.
Malaki ang paniwala na ang napabayaang kandila na ginamit sa pagsa-shabu ang siyang pinagmulan ng sunog.
Mabilis na kumalat ang apoy sa mga kabahayan at aabot sa 500 bahay ang naabo sa naganap na sunog.
Wala namang iniulat na nasawi sa naturang insidente. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am