^

Metro

BuCor director sinuspinde

-
Sinuspinde na ng Malacañang si Bureau of Corrections (BuCor) director Ricardo Macala kaugnay pa rin sa mga kasong administratibo na isinampa ng mga empleyado ng BuCor.

Base sa dalawang-pahinang administrative order (AO) 72 na pinirmahan ni Executive Secretary Alberto Romulo, sinuspinde ng 90 days o tatlong buwan si Macala dahil sa iba’t ibang kasong administratibo na isinampa ng mga empleyado ng BuCor.

Sinuspinde si Macala habang isinusulong ng Presidential Anti-Graft Commission (PAGC) ang kanilang imbestigasyon laban sa una.

Samantala, itinalaga naman ni Justice Secretary Simeon Datumanong sa pamamagitan ng Department Order 141 si Justice Undersecretary Ramon Liwag bilang officer-in-charge (OIC) ng BuCor habang suspendido si Macala.

Matatandaan na naging kontrobersyal kamakailan si Macala dahil sa naganap na pamamaril umano ni dating Zamboanga Congressman Romeo Jalosjos sa isang inmate sa loob ng NBP noong nakaraang Sabado de Gloria.

Ayon naman kay Macala, maghahain pa rin siya ng motion for reconsideration to lift suspension. (Ulat ni Grace Amargo)

BUREAU OF CORRECTIONS

DEPARTMENT ORDER

EXECUTIVE SECRETARY ALBERTO ROMULO

GRACE AMARGO

JUSTICE SECRETARY SIMEON DATUMANONG

JUSTICE UNDERSECRETARY RAMON LIWAG

MACALA

PRESIDENTIAL ANTI-GRAFT COMMISSION

RICARDO MACALA

SINUSPINDE

ZAMBOANGA CONGRESSMAN ROMEO JALOSJOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with