Dalaga binoga sa Quiapo, dedo
April 29, 2003 | 12:00am
Isang 25-anyos na dalaga ang iniulat na binaril at napatay ng hindi pa nakikilalang salarin, kamakalawa ng hapon sa Quiapo, Manila.
Nakilala ang biktima na si Nida Roxas, pansamantalang naka-check-in sa Mirhama Inn na namatay noon din sa pinangyarihan ng krimen bunga ng tinamong tama ng bala sa ulo.
Base sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-5:30 ng hapon habang ang biktima ay naglalakad sa maliit na eskinita sa Maraya St., Ismalic Center ng nabanggit na lugar nang bigla na lamang paputukan ng hindi pa nakikilalang suspect.
Isang sulat ang nakuha sa nasawi na dito nakalagay ang kanyang pagnanais na makipagkalas na sa kanyang boyfriend na nakilala lamang sa pangalang Bobby.
Nabatid sa sulat na nais na ng biktima na umuwi sa kanyang mga magulang dahil sa wala namang saysay ang ipinaglalaban niyang pag-ibig sa kasintahan.
Pinipilit naman ng pulisya na mahanap ang naturang kasintahan nito para magbigay-linaw tungkol sa insidente.
Samantala, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya ukol dito. (Ulat ni Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended