^

Metro

2 apo nailigtas ng lola sa sagasa

-
Isang 80-anyos na lola ang nagbuwis ng buhay para sa kanyang dalawang apo makaraang masagasaan ito ng isang owner- type jeep habang tumatawid kamakalawa ng gabi sa C-5 Road Taguig, Metro Manila.

Dead-on-arrival sa Taguig-Pateros District Hospital ang biktima na nakilalang si Florencia Sayot, tubong-Masbate at residente ng Sitio Masigasig, Brgy.Western Bicutan ng nabanggit na bayan.

Kusang loob namang sumuko ang suspect na nakilalang si Guillermo Estrella, 50, ng San Francisco St. Karuhatan, Valenzuela City.

Batay sa imbestigasyon ng Taguig Traffic Enforcement Unit naganap ang insidente dakong alas-8 kamakalawa ng gabi sa kahabaan ng C-5 Road, patungong Taguig.

Papatawid ang biktima kasama ang kanyang dalawang apo nang hindi mapansin ang paparating na owner-type jeep na may plakang NDE-214.

Hindi na nakontrol ni Estrella ang kanyang preno kung kaya’t nahagip nito ang matanda na mabilis namang tinabig sa tabi ang kanyang mga apo upang hindi na madamay pa. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

FLORENCIA SAYOT

GUILLERMO ESTRELLA

LORDETH BONILLA

METRO MANILA

ROAD TAGUIG

SAN FRANCISCO ST. KARUHATAN

SITIO MASIGASIG

TAGUIG TRAFFIC ENFORCEMENT UNIT

TAGUIG-PATEROS DISTRICT HOSPITAL

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with