P1.4-M cellphone at simpack natangay ng Bukas-Kotse Gang
April 28, 2003 | 12:00am
Umaabot sa P1.4 milyon ang halaga ng mga cellphone at simpack na tinangay ng mga hinihinalang miyembro ng Bukas-Kotse gang mula sa isang delivery van sa parking lot ng isang shopping mall kamakalawa ng umaga sa Quezon City.
Ayon sa reklamo ni John Paul Jorge, 24, security manager ng Ximex Delivery Express, alas-11:30 ng umaga nang maganap ang insidente sa parking lot ng SM Fairview mall sa Fairview ng nabanggit ding lungsod.
Ipinarada lamang ng kanyang driver na si Cesar Manuel ang van sa naturang establisimento upang i-deliver ang ilang unit ng cellphones at simpack sa Globe Business Center kung saan naiwan sa van ang helper na si Allan Rodolfo.
Dahil na rin sa pagka-inip, sinundan ni Rodolfo si Manuel sa loob ng SM at ini-lock ang naturang Hyundai van na may plakang XCH-448.
Subalit nang ito ay kanilang balikan, nakita na lamang nilang bukas ang kanilang van at wala na ang iba pang unit ng cellphones,simpack at mga cellphones accessories. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended