^

Metro

Lola napingasan ng tainga sa snatcher

-
Napingasan ng kaliwang tainga ang isang 67- anyos na lola nang sapilitan hablutin ng isang sabog na holdaper ang suot nitong hikaw makaraang tumanggi itong ibigay ang kanyang bag at hikaw kahapon ng tanghali sa Caloocan City.

Halos himatayin sa labis na takot sa pagtulo ng kanyang dugo ang biktima na nakilalang si Marina Sagum ng 293 Interior 5 General Luna St. ng nasabi ding lungsod.

Mabilis din namang nasakote ang suspect na nakilalang si Efren Garcia, 29, ng #42 Felix Huertas St. Valenzuela City matapos na marinig ng taumbayan ang paghingi ng saklolo ng biktima.

Batay sa imbestigasyon naganap ang insidente dakong alas-11:20 ng umaga habang lulan ng isang pampasaherong jeep ang biktima at ang suspect.

Nagdeklara ng holdap ang suspect at isa-isang kinuha ang mga gamit ng pasahero.

Subalit pagdating sa biktima, tumanggi itong ibigay ang kanyang bag at hikaw na ikinagalit ng suspect hanggang sa humantong sa paghablot ng huli ng hikaw ng una kung saan natanggal ang kaliwang tainga nito.

Bagama’t dinala sa ospital ang biktima, nabatid sa mga manggagamot na hindi na muli pang maibabalik ang natanggal na tainga ng biktima. (Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

BAGAMA

BATAY

BIKTIMA

CALOOCAN CITY

EFREN GARCIA

FELIX HUERTAS ST. VALENZUELA CITY

GENERAL LUNA ST.

MABILIS

MARINA SAGUM

ROSE TAMAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with