^

Metro

Medical team ng AFP itatalaga na rin sa NAIA

-
Umpisa sa Lunes ay magtatalaga na rin ng mga military doctor at nurse ang AFP sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para tumulong sa mga tauhan at opisyal ng paliparan na magsasagawa ng quarantine sa mga dumarating na pasahero.

Sinabi ni AFP Public Information Office Chief Lt. Col. Daniel Lucero, ang hakbang na ito ng militar ay bilang tugon sa tumitiding tensyon bunsod ng pagkalat ng SARS.

Ayon kay Lucero, ang AFP medical team ay binubuo ng tatlong doktor at tatlong nurse na itatalaga sa NAIA at magkakaroon ng lingguhang palitan sa loob ng anim na buwan.

Sa kasalukuyan ay sumasailalim na sa orientation ang mga itatalagang military doctor at nurse.

Idinugtong ni Lucero na bagamat delikado ang magiging trabaho ng mga military personnel sa NAIA ay kanila itong tutugunan lalo’t sa panahong ito’y alam nilang kulang ang mga manggagamot sa binabantayang paliparan.

Kaugnay nito, sinabi naman ni AFP Chief of Staff Gen. Narciso Abaya na ipinatutupad nila ang mahigpit na quarantine sa mga opisyal at miyembro ng militar na nag-iischooling sa ibang bansa partikular na sa bansang apektado ng SARS. (Ulat ni Joy Cantos)

AYON

CHIEF OF STAFF GEN

DANIEL LUCERO

IDINUGTONG

JOY CANTOS

LUCERO

NARCISO ABAYA

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

PUBLIC INFORMATION OFFICE CHIEF LT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with