Pulis kritikal sa holdap
April 25, 2003 | 12:00am
Nasa kritikal na kalagayan ang isang miyembro ng Western Police District (WPD) matapos na pagtulungang saksakin ng tatlo sa apat na kalalakihan na nangholdap sa isang pampasaherong jeep kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.
Apat na saksak sa likod at dalawa sa kamay ang tinamo ni PO3 Anemio Manubin, 47, nakatalaga sa Mobile Division ng WPD, residente ng Kamias Road ng nabanggit na lungsod.
Batay sa isinagawang imbestigasyon ang insidente ay naganap dakong alas-5 ng madaling araw sa panulukan ng Shuttle at Aurora Boulevard nang holdapin ng mga suspect ang isang pampasaherong jeep na may rutang Cogeo- Stop N Shop.
Kabilang ang pulis sa mga pasahero sa jeep. Namataan ng mga suspect ang baril sa baywang ng biktima kung kaya pilit nila itong inagaw hanggang sa pinagtulung-tulungan saksakin ng tatlo sa mga ito.
Mabilis na tumakas ang mga suspect na sinasabing madalas na nagsasagawa ng operasyon sa Aurora Blvd. subalit hindi naman nadadakip ng mga awtoridad. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended