P10-M sangkap ng shabu nasamsam
April 25, 2003 | 12:00am
Nasamsam ng mga elemento ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga kemikal na ginagamit sa produksyon ng shabu na nagkakahalaga ng P10 milyon sa Sta. Cruz, Manila.
Ang kemikal na palladium chloride na nakalagay sa sampung canisters at nagkakahalaga ng P1 milyon bawat isa ay nadiskubre at nakuha ng NBI sa huling ipinarating na shipment ng Wang Yashi International Drug Trafficking Group na nag-ooperate sa nabanggit na lugar.
Sa imbestigasyon ng NBI, si Wang Yashi ang siya ring may-ari ng shabu laboratory sa Valenzuela City na nasunog noong nakalipas na taon.
Kasama din sa nakumpiska ng NBI ang siyam na bote ng thionyl chloride, 12 lata ng barium sulfate at isang modern type mixer na pawang ginagamit sa paggawa ng shabu. (Ulat ni Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am