Habambuhay sa 3 killer ng 2 pulis
April 23, 2003 | 12:00am
Hinatulan kahapon ng habambuhay na pagkabilanggo ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) ang tatlo kataong pumaslang sa dalawang pulis at nakasugat ng iba pa sa isang drug operation dalawang taon na ang nakakaraan.
Bukod dito, inatasan din ni QCRTC Judge Monina Zenarosa ng Branch 76 ang mga akusadong sina Restituto Carandang, 61; Henry Milan, 48 at Jackman Chua, 36 na bayaran ang mga naulila ng biktimang sina SPO2 Wilfredo Red ng halagang P862,314 at PO2 Dionisio Alonzo ng halagang P632,870 bilang danyos.
Samantala, ang nasugatang si SPO1 Wilfredo Montecalvo ay dapat ding bayaran ng mga akusado ng halagang P54,000.
Sa desisyon ni Judge Zenarosa, nakakuha ng sapat na ebidensiya ang korte na magdidiin sa mga akusado kaugnay sa isinagawang pagpaslang sa mga pulis noong nakalipas na Abril 5, 2001 at pagkasugat kay Montecalvo.
Ang pagpaslang ay naganap sa isinagawang drug operation ng mga tauhan ng Drug Enforcement Unit ng CPD Station 1. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended