Mag-inang kinidnap pinalaya
April 23, 2003 | 12:00am
Nakapiring ang mga mata nang abadonahin ang mag-ina ng isang grupo ng armadong kalalakihang kumidnap sa kanila noong nakalipas na Abril12 sa isang shopping mall sa Makati City.
Sa sketchy report ng pulisya, kinilala ang biktima na si Jovelyn Sison, 24, ang anak nitong si John Sison, 2, at isa pang kaanak na Korean national.
Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang pagkidnap sa mag-ina sa isang shopping mall sa Ayala Center sa Makati City.
Bigla na lamang sumulpot ang isang grupo ng armadong kalalakihan at sapilitang dinala ang mga biktima.
Kamakalawa lamang ng hapon, nang matagpuan ang mag-ina na kapwa may piring sa kanilang mga mata at inabandona ng kanilang mga kidnappers sa may Pedro Gil, LRT Station sa Maynila. Hindi pa napapalaya ang kaanak nitong Korean national na hindi rin binanggit ang pangalan.
Ayon naman sa pahayag ni Jovelyn malaki ang kanyang paniwala na may kinalaman ang ilan niyang kamag-anak sa pagkidnap sa kanila dahil sa interes ng mga ito sa kanyang mana.
Hindi naman mabatid kung nagbigay ng ransom ang mag-ina kaya pinalaya ang mga ito.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ukol dito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended