^

Metro

Judge nagpatiwakal

-
Patay na nang matagpuan sa loob ng kanyang kuwarto ang presiding judge ng Tarlac Metropolitan Trial Court na pinaniniwalaang nagpakamatay kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Nakilala ang nasawi na si Tarlac MTC Judge Arnel Peralta, 43, ng 7 Villa Amor 1 Subdivision, Batasan Hills, Quezon City.

Ayon sa ulat ng pulisya, natagpuan ang labi ni Judge Peralta sa loob ng kanyang kuwarto. Ang asawa nitong si Teresita ang unang nakatuklas sa isinagawa nitong pagpapakamatay.

Sa kabila ng mga hinalang pressure sa mga hinahawakang kaso at problema sa pamilya ang maaaring dahilan ng pagpapakamatay, binubusisi pa rin ng pulisya kung may naganap na foul play sa insidente.

Samantala, isang bala sa sentido ang tumapos sa buhay ng security guard matapos itong magpatiwakal nang hindi na matiis ang pagiging bungangera ng kanyang misis, kahapon ng madaling-araw sa Valenzuela City.

Nakilala ang nasawi na si Alexander Francisco, 35, ng 433 F. Dulalia St., Barangay Lingunan ng nasabing lungsod.

Sa imbestigasyon ng pulisya, bandang ala-1:30 ng madaling-araw nang makita ang biktima sa harapan ng bahay nito na may tama ng bala ng kalibre.38 baril sa kanang sentido.

Bago ito, unang umuwi ang nasawi sa kanilang bahay na lasing na lasing dahilan upang bungangaan ito ng kanyang misis.

Dahil dito, napilitang lumabas ng bahay si Francisco habang sukbit ang baril sa tagiliran.

Ilang sandali pa ay narinig ang malakas na putok ng baril hanggang sa makitang bumulagta na ito sa tapat ng bahay.

Patuloy pang sinisiyasat ang kaso. (Ulat nina Angie dela Cruz at Rose Tamayo)

vuukle comment

ALEXANDER FRANCISCO

BARANGAY LINGUNAN

BATASAN HILLS

DULALIA ST.

JUDGE ARNEL PERALTA

JUDGE PERALTA

NAKILALA

QUEZON CITY

ROSE TAMAYO

TARLAC METROPOLITAN TRIAL COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with