'Di ako ang bumaril' Jalosjos
April 22, 2003 | 12:00am
"Hindi ako ang bumaril".
Ito ang madiing ipinahayag ni dating Zamboanga del Norte Congressman Romeo Jalosjos kaugnay sa napaulat na pamamaril nito sa isang preso na nagsisilbi niyang bodyguard sa loob ng maximum security compound sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City noong Sabado ng gabi.
Maging si Bureau of Corrections Director Ricardo Macala ay nagsabing hindi si Jalosjos ang bumaril sa inmate na si Marcos de Guzman, 40, na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa hita.
Gayunman, inihayag nito na masusi nilang iniimbestigahan ang kaso maging ang mga nakatalagang prison guard ng maganap ang kaguluhan.
Kaugnay nito, nagsagawa rin ng inspection ang mga opisyal ng bilibid sa selda ni Jalosjos at sa buong maximum security compound.
Nagbanta pa ang kongresista na ididemanda ng libel ang Pilipino Star Ngayon na siyang naglabas sa istoryang pamamaril ng dating kongresista.
Halata naman na pinagtatakpan ng mga opisyal ng NBP ang insidente.
Inaalam pa kung bakit nakapasok ang baril sa loob ng Pambansang Bilangguan.
Magugunitang iniulat ng source ng PSN na naganap ang insidente dakong alas-9 ng gabi sa kubong madalas pagpahingahan ni Jalosjos.
Nabatid na inutusan umano ni Jalosjos si de Guzman na bumili sa tindahan subalit nagkasagutan ang mga ito hanggang sa barilin ng una ang huli.
Nabatid pa na noong linggo lamang ng umaga isinugod sa pagamutan si de Guzman at itinago pa sa pangalang Nikko Compra.
Samantala, ipinaliwanag pa ni Macala na bago nadiskubre ni de Guzman na may tama siya ng baril ay kasama pa ito ng dating kongresista mula sa pagsisimba sa pagitan ng alas-6 hanggang alas-8 ng gabi.
Idinagdag pa nito na mismong si Jalosjos pa ang nagsugod kay de Guzman sa pagamutan.
Tatlong bilanggo din ang nagpapatunay na hindi si Jalosjos ang bumaril kay de Guzman. (Ulat nina Lordeth Bonilla at Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest