^

Metro

3 pang miyembro ng Revo Gang timbog

-
Tatlo pang miyembro ng tinaguriang notoryus na Revo Gang ang naaresto ng mga elemento ng Western Police District (WPD) sa isinagawang magkakahiwalay na operasyon sa lungsod ng Maynila kahapon ng umaga.

Kinilala ni WPD Director P/Chief Supt. Pedro Bulaong ang mga naarestong miyembro ng Revo Gang na sina Marcial Orel, 30, at kapatid nitong si Bernabe, 28; pawang residente ng Muzon, San Jose del Monte, Bulacan at Maribel Manito, 38, ng #2034 Adriatico St., Malate, Maynila.

Ang tatlo ay itinuro ni Florendo Melanio, ang kasamahan ng mga suspect na naunang nadakip ng mga awtoridad.

Nabatid na ang grupo ay responsable sa panghoholdap sa mga Revo taxi sa Metro Manila.

Ayon kay Bulaong, nadakip ang magkapatid na Orel sa kanilang hideout sa Araneta Village sa Potrero, Malabon bandang alas-8:30 ng umaga kahapon habang nadakip naman si Manito sa tahanan nito sa Maynila.

Kabilang sa mga naging biktima ng nasabing grupo ay ang lady reporter na si Grace Vergel ng RMN na hinoldap nitong nakalipas na Abril 16 sa Sta. Cruz, Maynila.

Inihahanda na ang pagsasampa ng kasong kriminal laban sa mga naarestong suspect. (Ulat ni Rudy Andal)

ADRIATICO ST.

ARANETA VILLAGE

CHIEF SUPT

DIRECTOR P

FLORENDO MELANIO

GRACE VERGEL

MARCIAL OREL

MARIBEL MANITO

MAYNILA

REVO GANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with