Shootout: 6 kriminal, 1 pulis patay
April 21, 2003 | 12:00am
Anim na pinaghihinalaang miyembro ng isang big time syndicate at isang pulis ang napaslang samantalang dalawa pa ang nasugatan sa naganap na shootout sa pagitan ng mga awtoridad at ng grupo ng mga kriminal sa Quezon City kahapon ng hapon.
Nasawi noon din sa pinangyarihan ng insidente ang anim na di pa nakilalang suspect at binawian naman ng buhay habang isinusugod sa Quezon City General Hospital ang pulis na si PO1 Aldy Monteroso.
Agaw-buhay naman ang kasamahan nitong si PO1 Benedicto de Vera. Ang dalawang pulis na nagtamo ng mga tama ng bala mula sa di pa mabatid na kalibre ng baril sa ibat ibang bahagi ng katawan ay kapwa nakatalaga sa Sangandaan Police Station ng CPD Station 3.
Samantalang isa pang di nakilalang suspect na tinamaan rin sa shootout ang dinala naman sa East Avenue Medical Center.
Base sa pangunang pagsisiyasat ni SPO2 Rolando Rugay ng Sangandaan Police, dakong alas 3:20 ng hapon ng maganap ang insidente sa panulukan ng Road 20 at General Avenue, Project 8 ng nasabing lungsod.
Kasalukuyan umanong nagpapatrulya ang mga pulis sakay ng Mobile car 15 ng CPD lulan ang napaslang na si Monteroso at ang kasamahan nitong si de Vera nang maispatan ang kahina-hinalang kilos ng pitong suspect na lulan naman ng isang kulay asul na Besta Van na may plakang PBT-701.
Nang sitahin ng mga pulis ay agad na nagpaputok ang mga suspect na nagresulta sa madugong palitan ng putok sa pagitan ng magkabilang panig.
Nagkaroon ng maikling habulan at matapos ang putukan ay narekober sa kalsada ang bangkay ng anim na suspect.
Narekober ng pulisya sa pinangyarihan ng krimen ang mga basyo ng bala mula sa ibat ibang kalibre ng baril at ang Besta van na sinakyan ng mga salarin. Kasalukuyan namang inaalam kung anong sindikato ang kinaaniban ng mga suspect. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended