^

Metro

Jalosjos namaril sa Munti

-
Namaril umano ng inmate/bodyguard si dating Zamboanga del Norte Congressman Romeo Jalosjos na pinaniniwalaang naburyong dahilan sa mahabang panahon na nitong ipinagtitiis sa Maximum Security Compound ng National Bilibid Prison (NBP)sa Muntinlupa City sa kasong 12 counts ng act of lasciviousness.

Ito ang nabatid kahapon sa isang mapananaligang impormante mula sa nasabing bilangguan.

Kasalukuyan namang nasa kritikal na kondisyon ang biktimang si Marcos de Guzman, tinatayang nasa 40 taong gulang, kasamahang inmate at umaaktong bodyguard ng dating solon na isinugod sa pagamutan matapos magtamo ng tama ng bala sa pantog mula sa di pa mabatid na kalibre ng baril.

Nabatid na ang biktima ay kahapon lamang ng umaga isinugod sa isang di tinukoy na pagamutan dahilan umano sa tangkang pagtatakip sa insidente ng ilang mga opisyal ng NBP. Maging ang biktima ay itinago sa pangalang Nikko Compra ng mga opisyal ng NBP.

Ayon sa isang prison guard na tumangging magpabanggit ng pangalan ang insidente ay naganap sa kubong madalas pagpahingahan ni Jaloslos sa loob ng NBP dakong alas-9 ng gabi nitong Sabado de Gloria.

Napag-alaman na inutusan umano ni Jalosjos si de Guzman na bumili sa tindahan kung saan dahilan sa nakainom ang dating mambabatas ay nagkasagutan ang mga ito hanggang sa bumunot ng baril si Jalosjos at binaril ang biktima.

Halos sarado naman ang bibig ng mga kawani ng NBP at ni isa sa kanila ay walang magsalita sa naturang kaguluhan.

Sa panig naman ng NBP, kinumpirma ni Bureau of Correction Director Ricardo Macala na nagkaroon lamang umano ng bahagyang kaguluhan sa naturang bilangguan. Itinanggi rin nito na bodyguard ni Jalosjos ang sugatan at sinabi na walang katotohanan na nagkaroon ng putukan sa loob ng bilangguan.

Magugunita na si Jalosjos ay nahatulan ng dalawang habambuhay na pagkabilanggo sa kasong 12 counts of rape sa biktimang si Jocelyn Delantar na noo’y kasalukuyang 14-anyos ng ibugaw sa Kongresista kung saan naganap ang insidente mahabang panahon na ang nakalilipas. (Ulat nina Lordeth Bonilla at Joy Cantos)

vuukle comment

BUREAU OF CORRECTION DIRECTOR RICARDO MACALA

GUZMAN

JALOSJOS

JOCELYN DELANTAR

JOY CANTOS

LORDETH BONILLA

MAXIMUM SECURITY COMPOUND

MUNTINLUPA CITY

NATIONAL BILIBID PRISON

NIKKO COMPRA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with