^

Metro

Shabu queen timbog

-
Sa halip na magtika ngayong panahon ng kuaresma, kulungan ang kinasadlakan ng isang pinaghihinalaang ‘Shabu Queen’ matapos itong maaresto sa isang buy bust operations sa Mandaluyong City .

Kinilala ni P/Sr. Inspector Edgardo Gita, Chief ng Criminal Investigation Division ng Mandaluyong City Police ang naarestong suspect na si Josefina Tutaan alyas Fannie, 49, may asawa at residente ng # 961 M. Cruz St. Brgy. Mauway ng nasabing lungsod.

Ayon kay PO3 Noli Cortez, may hawak ng kaso, walang inirekomendang piyansa para sa kalayaan ng suspect makaraan itong makumpiskahan ng 12 gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit sa P 15,000.00.

Ang suspect ay nadakip ng mga elemento ng Special Task Force Mapalakas ng naturang himpilan sa pangunguna nina PO1s Ronald Jacuba at Ferdinand Sapon dakong alas-12 ng hatinggabi nitong Biyernes Santo sa bisinidad ng tahanan nito.

Nakipagdeal umano ang poseur buyer ng pulisya sa suspect na bibili ng apat na sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P3,000 at lingid naman sa kaalaman ng suspect ay matagal na siyang isinasailalim sa surveillance operations ng mga awtoridad.

Agad na dinampot ng mga alagad ng batas ang suspect habang iniaabot sa poseur buyer ang apat na plastic sachet ng shabu.

Nasamsam mula sa pag-iingat ng suspect ang apat na plastic sachet ng shabu habang ang iba pa ay nakuha naman nang halughugin ang tahanan nito gayundin ang isang digital weighing machine at shabu paraphernalias. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

BIYERNES SANTO

CRIMINAL INVESTIGATION DIVISION

CRUZ ST. BRGY

FERDINAND SAPON

JOSEFINA TUTAAN

JOY CANTOS

MANDALUYONG CITY

MANDALUYONG CITY POLICE

NOLI CORTEZ

RONALD JACUBA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with