^

Metro

Holdaper ng lady reporter arestado

-
Nakaligtas sa talim ng balisong ang isang lady reporter makaraang madakip ng pulisya ang isa sa dalawang holdaper nito sa aktong sasaksakin ang una, kahapon ng umaga sa Sta. Cruz, Manila.

Nabawi rin ang cellphone ng biktima na nakilalang si Grace Vergel, 22, reporter ng Radio Mindanao Network at residente ng Binondo, Manila.

Samantala, nakilala naman ang nadakip na suspect na si Ryan Allarte, 31, miyembro ng Batang City Jail at naninirahan sa 65 Pampanga St., Tondo, Manila. Tinutugis pa ang kasamahan nito na nakilalang si Noel Bahala, 20, na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Ayon sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-5:45 ng umaga sa harapan ng Plaza Lacson sa naturang lugar.

Sa salaysay ng biktima nag-aabang umano siya ng masasakyan ng mag-vibrate ang kanyang cellphone na nakalagay sa kanyang bulsa.

Ililipat sana niya ito sa kanyang bag nang lapitan siya ng dalawang suspect na inakala niyang magtatanong lamang.

Agad na hinablot ng isa sa mga suspect ang kanyang cellphone sabay labas ng balisong at akmang sasaksakin ang huli nang may sumigaw sa suspect.

Nabatid na nasaksihan ni PO2 Glenzor Vallejo ang insidente ay siyang sumigaw sa suspect kaya ito nataranta hanggang sa tuluyang madakip, habang mabilis namang nakapuga ang kanyang kasamahan. (Ulat ni Grace dela Cruz)

vuukle comment

AYON

BATANG CITY JAIL

CRUZ

GLENZOR VALLEJO

GRACE VERGEL

NOEL BAHALA

PAMPANGA ST.

PLAZA LACSON

RADIO MINDANAO NETWORK

RYAN ALLARTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with