Ayon kay Dra. Ma. Cosorcia Lim-Quizon, head ng Epidemiologist Center ng DOH na hindi nga SARS ang dahilan ng pagkasawi ng balikbayang ginang na dinala sa nabanggit na pagamutan dakong alas-12 ng tanghali kamakalawa dahil umano sa paninikip ng dibdib hanggang sa hindi na ito inabot ng 24 oras at tuluyan nang binawian ng buhay.
Nabatid sa pamunuan ng FEU Hospital na ang matanda ay may sakit na bilateral pneumonia at breast cancer.
Napag-alaman pa na ang nasawing pasyente ay nagmula pa sa mga bansang USA, Alaska at Korea bago tuluyang umuwi sa Pilipinas.
Samantala, nakagawa ang mga dalubhasa sa Germany ng isang test kit na makakakilala sa sakit na SARS.
Batay sa World Health Organization (WHO) ang ARTOS, isang katawagan sa test kit na nabuo ng mga siyantipiko sa Germany ay makakatukoy o makakakilala sa virus bacteria na umaapekto sa katawan ng tao sa loob lamang ng dalawang oras.
Ayon sa ulat, ang nasabing kit ay agarang naipamahagi na sa ibang bansa partikular na sa China na kung saan ibinigay ito ng libre ng pamahalaang Germany. (Ulat ni Jhay Mejias at Doris Franche)