^

Metro

Coed patay sa holdap

-
Pinagsasaksak ng dalawang lalaki ang isang 19-anyos na estudyante makaraang makatunog ang huli at umiwas sa panghoholdap ng una, kahapon ng madaling araw sa Quiapo, Manila.

Nakilala ang nasawing biktima na si Mary Grace Sy, ng Bahay Pag-asa, Molino, Cavite na nagtamo ng tatlong tama ng saksak sa kanyang katawan.

Samantala, tinutugis ng pulisya ang mga tumakas na suspect matapos ang insidente.

Sa ulat ni Det. Raul Olavario, ng homicide division naganap ang insidente dakong alas-3:40 ng madaling-araw sa paanan ng Quezon Bridge ng naturang lugar.

Nabatid na galing umano ang biktima sa isang debut party ng isang kaibigan at habang naghihintay ng masasakyan pauwi ay napansin ang dalawang lalaking papalapit sa kanya.

Nagtangkang lumayo ang biktima subalit sinundan pa rin siya ng mga suspect at agad na nagdeklara ng holdap.

Dahil dito tuluyang tumakbo ang biktima subalit hinabol siya ng mga suspect at inundayan ng sunud-sunod na saksak sa katawan na nagresulta ng agaran nitong kamatayan.

Mabilis na nagsitakas ang mga suspect matapos ang pangyayari. (Ulat ni Grace dela Cruz)

BAHAY PAG

CAVITE

CRUZ

DAHIL

MABILIS

MARY GRACE SY

MOLINO

NABATID

QUEZON BRIDGE

RAUL OLAVARIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with