^

Metro

Real estate, inireklamo ng Norwegian

-
Ipinagharap ng reklamo ng isang Norwegian ang isang malaking real estate company makaraang umano siyang lokohin ng mga ito at lumabag sa kontrata hinggil sa kanyang biniling unit ng condominium sa Makati City na nagkakahalaga ng P4 milyon.

Sa reklamo ni Charito Pedersen ng Ipil St. Phase 2, United Parañaque, Subdivision, Parañaque City, sinabi nito na niloko siya ng Metro Pacific Corporation at lumabag ito sa kanilang kontrata makaraang bumili siya noong 1999 ng isang unit ng condominium sa Pacific Towers sa Global City Fort Bonifacio. Ito ay pagmamay-ari ng Metro Pacific Tower.

Ayon kay Pedersen, bago pa man siya umalis ng Pilipinas ay binili na niya ang unit na may apat na kuwarto base na rin sa modelo ng kompanya at binayaran na niya ito ng mahigit na P4 na milyon hindi pa man naitatayo.

Subalit laking gulat ni Pedersen nang makita sa kanyang pagbalik na tatlong kuwarto lamang ito.

Kinuwestiyon nila ang Metro Pacific hinggil dito, subalit hindi umano sila pinansin ng ilang mga tauhan nito.

Iginiit pa ng ginang na malaki na ang kanilang nagastos dahil mula Norway ay umuuwi pa sila ng Pilipinas upang personal na asikasuhin ang nasabing problema. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

CHARITO PEDERSEN

GLOBAL CITY FORT BONIFACIO

IPIL ST. PHASE

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

METRO PACIFIC

METRO PACIFIC CORPORATION

METRO PACIFIC TOWER

PACIFIC TOWERS

PEDERSEN

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with