War veterans libre na sa mga ospital
April 14, 2003 | 12:00am
Makatatanggap na ng libreng medical assistance sa mga pagamutan habang dadayuhin naman ng mga doktor ang mga beterano ng World War II sa mga probinsya upang maiwasan ang walang kabuluhang pagpanaw ng mga itinuturing na bayani ng bansa.
Itoy matapos na maglaan ng kaukulang pondo sa mga pagamutan sa bansa ang Filipino War Veterans Foundation Inc. (FILVETS) na pinamumunuan ni dating Pangulong Fidel Ramos.
Ayon kay Retired AFP Chief of Staff General Renato de Villa, chairman ng FILVETS, tumaas pa rin ang assets ng organisasyon sa kabila ng mga nagaganap na krisis sa ekonomiya at pulitika mula nang maganap ang September 11 US attack kung saan mas napagtuunan na ng atensiyon ang mga beterano at mga retiradong sundalo ngayon.
Dahil dito, hindi na rin umano kailangan pang magbayad ng mga beterano sa mga military hospital dahil sapat ang ibinibigay na donasyon ng FILVETS.
Regular din naman umanong magsasagawa ng medical at dental mission ang mga manggagamot ng FILVETS sa mga lalawigan upang hindi na maabala pang lumuwas ng Maynila upang magpagamot ang mga beterano.
Sa ngayon aniya, may anim na medical outreach clinic ang ipinatayo ng FILVETS sa Visayas at Mindanao na matatakbuhan ng mga beteranong may sakit at makukuhanan nila ng libreng gamot at vitamin. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am