Paslit binanlian ng kumukulong tubig ng kapitbahay
April 13, 2003 | 12:00am
Lapnos ang katawan ng isang 9-anyos na paslit na lalaki matapos na buhusan ito ng kumukulong tubig ng kanyang kapitbahay makaraang maingayan ang huli sa una, kamakalawa ng hapon sa bayan ng Navotas.
Ang biktimang kasalukuyang nakaratay sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong 3rd degree burn ay nakilalang si Remafer Peñaranda, residente ng #147 Interior, Pitong Gatang, Sipac Almasen ng nasabing bayan.
Kasalukuyan namang nakakulong sa detention cell ng Navotas Police ang suspect na si Dominador Cablatin, alyas Nonoy, 37, kapitbahay ng biktima at nahaharap sa kasong serious physical injuries at child abuse.
Batay sa isinagawang imbestigasyon ni SPO1 Eleonor Eleazar, may hawak ng kaso, naganap ang insidente dakong alas-5 kamakalawa ng hapon sa harapan ng bahay ng suspect.
Nauna rito, nakikipaglaro ang biktima sa ilan nitong kaibigan sa harap ng bahay ng suspect at sa labis na ingay nito ay nagising umano ang natutulog na si Cablatin dahilan upang sitahin ang biktima at awatin sa kanyang pag-iingay.
Sa halip na tumigil ay nagpatuloy sa paglalaro si Peñaranda na lalong ikinainis ng suspect kung kayat kumuha ito ng kumukulong tubig at walang pasabing ibinuhos sa paslit.
Dahil sa init ay nagsisigaw sa sakit ang biktima na tumawag ng pansin sa mga kapitbahay at kamag-anak nito kayat isinugod sa pagamutan kung saan kasalukuyan itong inoobserbahan.
Tinangka pa umanong tumakas ng suspect ngunit agad itong naaresto ng mga rumespondeng barangay tanod. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended