Na-food poison: Lola patay, 3 malubha
April 13, 2003 | 12:00am
Isang 56-anyos na lola ang binawian ng buhay, habang nasa kritikal na kalagayan naman ang dalawa nitong anak at isang apo matapos na malason sa kanilang pananghaliang manok at isda, kamakalawa ng tanghali sa Caloocan City.
Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Quezon City General Hospital ang biktimang si Rosalinda Planas, ng Block 5, Lot 20, White Spring Palm Subd. Llano, Camarin sa nasabing lungsod.
Malubha naman sa nasabi ring pagamutan ang mga anak nitong sina Rosario Planas-Ducay, 20; Trista John Planas, at apo nitong si William Rose Duday, 8, residente rin ng nabanggit na lugar.
Batay sa ulat ni SPO1 Antonio Peñaranda, may hawak ng kaso, ang insidente ay naganap dakong alas-12:30 ng tanghali sa loob ng bahay ng mga biktima habang kumakain ng pananghalian.
Nagluto umano ang nasawing lola ng pritong isdang salay-salay at chicken curry kung saan sa gitna ng pagsasalu-salo ay halos sabay-sabay na nagsakitan ang tiyan at nagsusuka ang mga ito sa hindi malamang dahilan.
Isa sa mga kamag-anak ng biktima ang agad na nakasaklolo kayat agad na isinugod ang mga ito sa pagamutan ngunit namatay naman ang matanda habang nilalapatan ng lunas.
May hinala ang pulisya na isa sa mga kinain ng mga biktima ang posibleng nakalason sa mga ito at kasalukuyang inaalam pa ng mga manggagamot kung alin sa kinain ang nakalason sa pamilya. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended