Pamangkin ng solon patay sa ambush
April 12, 2003 | 12:00am
Tadtad ng tama ng bala ang katawan ng pamangkin ng isang kongresista makaraan itong tambangan ng apat na kalalakihan sa Quezon City, kahapon ng umaga.
Nasawi kaagad ang biktimang si Marvin Jay Ramirez, 31 at residente ng Buenasol Romano Subdivision Mapayapa Village 3, Barangay Pasong Tamo, Quezon City dahil sa tinamo nitong tama ng bala ng baril sa ibat ibang bahagi ng katawan at isang saksak sa likod.
Si Ramirez ay nanilbihang chief of staff at pamangkin ni Occidental Mindoro Rep. Josephine Nene Ramirez-Sato.
Batay sa pagsisiyasat ni Supt. Raul Medina, hepe ng CPD-CIU dakong alas-8 ng umaga ng maganap ang insidente sa tapat ng BPI Bank sa Diliman Isidro Branch.
Kasalukuyan umanong pasakay sa isang tricycle ang biktima upang pumasok sa opisina nang bigla na lamang umano itong paulanan ng bala ng baril ng apat na hindi nakikilalang salarin.
Matapos na paputukan, isa sa suspect ang lumapit at sinaksak pa sa likod ang biktima.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa kaso at alamin kung ano ang motibo sa isinagawang pagpaslang sa biktima. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest