Bomb drill: 2 sugatan
April 11, 2003 | 12:00am
Malubhang nasugatan ang dalawang empleyado ng Malabon City Hall matapos na magpasabog ng isang bomba ang Malabon police sa isinagawang bomb drill sa nasabing lungsod kahapon ng umaga.
Ang mga biktimang agad na isinugod sa Chinese General Hospital ay nakilalang sina Blesilda Mangunay, city accountant at si Eloisa Sta. Cruz, community affair staff ng nasabing lungsod.
Sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, ang insidente ay naganap dakong alas-11 ng umaga sa harapan ng City Hall sa F. Sevilla Blvd., Brgy. San Agustin, Malabon City.
Dahil masyadong malapit ang mga usisero sa isinagawang bomb drill ay inabot ng pagsabog ang mga biktima.
Kaugnay nito, binatikos naman ng mga residente ang Malabon police dahil sa kawalang-ingat ng mga ito nang magsagawa ng bomb drill.
"Bomb drill pa nga lang ay may nasasaktan na, lalo pa siguro kung aktuwal na nangyari," anang isang tricycle driver na nakasaksi sa insidente. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest