^

Metro

Pasay City police nasa 'hot water' na naman

-
Binigyan ng 24-oras na taning ni NCRPO chief Deputy Director General Reynaldo Velasco ang hepe ng Pasay City police upang magpaliwanag kung bakit wala ito sa kanyang tanggapan nang dumalaw si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, kamakalawa ng gabi.

Kasabay nito, tuluyang sinibak sa posisyon ang isang Precinct Commander sa nabanggit na himpilan ng pulisya makaraang hindi agad harapin ang Pangulo sa pagdalaw nito sa nasasakupang presinto.

Nasa balag ng alanganin ngayon si Senior Supt. Oscar Catalan, Pasay City police chief na hindi nadatnan ng Pangulo sa biglaan nitong pagbisita sa naturang himpilan.

Nabatid na pasado alas-7 ng gabi nang dumating ang Pangulo sa naturang himpilan at unang pinuntahan ang Police Community Precinct 4 sa pag-aakalang ito ang tanggapan ng Pasay City Police Headquarters.

Inakala ni Pangulong Arroyo na natutulog ang commander ng PCP 4 na si Chief Inspector Simon Gonzales kaya hindi kaagad ito lumabas. Itinanggi naman ito ng opisyal na nagsabing nakasibilyan siya at nahihiyang lumabas kaya nagbihis muna siya.

Ngunit nainip si Pangulong Arroyo sa paghihintay, kaya isa sa kagawad ng Presidential Security Group (PSG) ang sumipa sa pintuan ng PCP 4 at saka sinermunan si Gonzales.

Kasunod nito, tinungo ng Pangulo ang Pasay City headquarters na sinasabing inabisuhan na ng PCP 4 commander kung kaya’t ang ilang pulis ay hindi na nabigla sa pagsulpot ng Pangulo.

Bigo din ang Pangulo dahil sa hindi niya nadatnan doon si Catalan na ayon sa kanyang mga tauhan ay kasama ni Chief Supt. Jose Gutierrez, ng SPD.

Subalit nagkabukuhan nang dumating sa presinto si Gutierrez na nagsabing hindi nito kasama si Catalan. Pilit na tinawagan sa cellphone si Catalan subalit hindi ito sumasagot.

Samantalang si Gonzales ay sinibak naman bilang commander ng PCP 4.

vuukle comment

CHIEF INSPECTOR SIMON GONZALES

CHIEF SUPT

DEPUTY DIRECTOR GENERAL REYNALDO VELASCO

GONZALES

JOSE GUTIERREZ

OSCAR CATALAN

PANGULO

PANGULONG ARROYO

PASAY CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with