^

Metro

Bilang ng school drop-outs tumaas

-
Pinuna ni Sen. Aquilino Pimentel Jr. ang tumataas na bilang ng mga school drop-outs sa bansa na repleksyon lamang ng mahinang sistema ng ating edukasyon.

Sinabi ni Sen. Pimentel na mula sa 100 pupil sa grade 1 ay 60 lamang dito ang nakakatapos ng grade 6 at mula naman sa 60 na grade 6 ay 45 lamang dito ang nakakatapos ng high school at mula sa 45 na ito ay 15 lamang ang nakakatapos ng kolehiyo.

Ayon pa kay Pimentel, kalimitang dahilan ng school drop-outs ay dahil sa kakapusang pinansyal ng magulang o kahinaan na maunawaan ang pinag-aaralan.

Winika pa ng mambabatas na hindi dapat maging hadlang ang kahirapan upang makatapos sa pag-aaral.

Aniya, puwedeng maging working student upang matugunan ang pangangailangang pinansyal sakaling walang kakayahan ang magulang para tustusan ang pag-aaral.

Idinagdag pa ni Pimentel na ang matatalino pero mahirap na estudyante ay puwedeng makapag-aral sa kolehiyo sa pamamagitan ng pagkuha ng mga scholarships at kung hindi naman sila makapasa rito ay maaari naman silang maging working student upang makatapos sa pag-aaral. (Ulat ni Rudy Andal)

ANIYA

AQUILINO PIMENTEL JR.

AYON

IDINAGDAG

LAMANG

PINUNA

RUDY ANDAL

SINABI

ULAT

WINIKA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with