^

Metro

Amasona nangotong, timbog

-
Inaresto ng mga tauhan ng Western Police District (WPD) ang isang 52-anyos na amasona matapos na mangotong sa isang negosyante sa Punta, Sta. Mesa kahapon ng umaga.

Ang suspect na nakilalang si Teresita Amonte, ng 42 Palatiw, Pasig City ay dinakip ng mga awtoridad sa aktong tinatanggap ang marked money na hiningi sa biktimang si Amante Regadio, 57, ng Posadas St., ng nabanggit na lugar.

Nabatid mula sa imbestigasyon na dakong alas-11 ng umaga kahapon ng kolektahin ni Amonte ang halagang P1,700 na kinikikil nito sa negosyanteng si Regadio, bukod pa ang mga de lata at mga lumang damit na hinihingi nito.

Ayon sa biktima, palagi umano siyang pinupuntahan sa kanyang flower shop ng suspect na nagpakilalang amasona at sapilitan siyang hinihingan ng revolutionary tax para umano sa kanilang samahan.

Binantaan pa umano ng suspect ang biktima na huwag magsusumbong sa mga awtoridad dahil papatayin nila ang pamilya nito.

Kahapon ay dumating sa bahay ng biktima ang suspect na lingid sa kaalaman ay nakapaghanda na ng patibong ang mga awtoridad.

Dinakma ang suspect sa aktong tinatanggap ang marked money sa negosyante. (Ulat ni Grace dela Cruz)

AMANTE REGADIO

AMONTE

AYON

BINANTAAN

CRUZ

DINAKMA

PASIG CITY

POSADAS ST.

TERESITA AMONTE

WESTERN POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with