Obrero lumipad sa flyover, durog
April 8, 2003 | 12:00am
Basag ang bungo at durog ang mukha ng isang forkclip operator makaraang magmistulang Superman na lumipad sa ere nang tumilapon sa motorsiklong kinalululanan nito mula sa isang 20 talampakang taas na flyover sa naganap na aksidente sa Marikina City, kahapon ng umaga.
Idineklarang dead-on-arrival sa Amang Rodriguez Hospital ang biktimang si Serafin Sedayon, 46, ng Bulusan St., La Loma, Quezon City.
Ayon sa inisyal na imbestigayon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-6:30 ng umaga sa kahabaan ng Barangka Flyover sa Boni Avenue ng nabanggit na siyudad.
Nabatid na lulan ng kanyang motorsiklo ang biktima galing sa Katipunan at patungong kabayanan ng Marikina City nang bigla na lamang tumilapon ang biktima sa humahagibis na tulin ng kanyang sasakyan.
Sa sobrang bilis ay gumewang-gewang ang motorsiklo ng biktima hanggang sa sumalpok sa barandilla ng flyover kung saan nakitang nahulog ang biktima at tuloy-tuloy na lumipad buhat sa taas ng flyover hanggang sa lumagapak sa ibaba. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest