Tenga ni mister tinapyas ni misis
April 6, 2003 | 12:00am
Malubhang nasugatan ang isang mister matapos itong tagain ng kanyang misis sa tenga dahil sa hindi na makayanan ng huli ang ginagawang pambubugbog sa kanya ng una, kahapon ng madaling araw sa Makati City.
Halos maputol ang tenga at ginagamot ngayon sa Ospital ng Makati ang biktima na si Fidel Abijo, 50, buko vendor, ng PNR Compound, Medina St., Barangay Pio del Pilar ng nabanggit na lungsod.
Nakapiit naman sa Makati City Police detention cell ang suspect na misis na si Erlinda.
Ayon sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-3:15 ng madaling-araw sa loob ng bahay ng mag-asawa.
Nabatid na nag-uusap noon ang mag-asawa na humantong sa mainitang komprontasyon hanggang sa muling bugbugin ng mister ang kanyang misis.
Dahil umano sa pinagdimlan ng pag-iisip dahil na rin sa palagi siyang ginugulpi ng asawa ay biglang kinuha ng suspect ang isang jungle bolo na ginagamit sa pantaga ng buko at iwinasiwas sa mister.
Halos maputol ang isang tenga ng biktima nang abutan ng pananaga ng misis nito.
Nadakip naman ng mga tanod ang misis, habang mabilis namang isinugod sa pagamutan ang biktima. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest