Pagmo-monitor sa SARS pinatindi
April 4, 2003 | 12:00am
Nagdagdag na kahapon ng mga precautionary at preventive health measures sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa pagtatalaga ng mga inter-agency committee na mahigpit na magmamanman ng pagpasok ng suspected carriers ng Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS), kilala bilang "killer pneumonia".
Ito ay makaraang italaga ni Pangulong Arroyo si Health Secretary Manuel Dayrit bilang SARS Crisis Manager na binubuo ng mga kinatawan mula sa Department of Health, Dept. of Labor, Dept. of Foreign Affairs, Bureau of Immigration, Bureau of Customs, NAIA, Philippine Coast Guard at Philippine Navy officials.
Ayon kay NAIA general manager Edgardo Manda, naglagay na ng isolation areas ang Quarantine at NAIA officials sa dalawang terminal ng NAIA kung saan pansamantalang ihihiwalay at mamamalagi ang SARS passengers/carriers upang maiwasan na kumalat ang misteryosong sakit.
Sinabi pa ni Manda na pinasimulan na ng ibat ibang airline officials kamakalawa sa pangunguna ng Philippine Airlines ang pagsasagawa ng fumigation sa mga dumarating na PAL flights mula sa Hong Kong bilang bahagi ng preventive health measures upang maiwasan na makahawa pa ang killer virus.
Pinabulaanan din ni Sec. Dayrit na namatay sa SARS ang isang balikbayang Filipina sa Angeles City, Pampanga kamakailan.
Ayon kay Dayrit, hindi SARS ang ikinamatay ni Lourdes Garcia at wala itong sintomas ng SARS bagkus ang ikinamatay niya ay urinary tract infection (UTI) kung kayat tumaas ang lagnat nito.
Ayon kay Dayrit, nagkaroon ng severe blood infection si Garcia dahil sa kanyang UTI, 10 araw pagdating nito sa Pilipinas mula sa Canada ay nakaranas na ito ng mataas na lagnat, ngunit dahil sa malala na ang kanyang sakit, binawian na ito ng buhay.
Ipinaliwanag din ni Dayrit na hindi lamang isang sintomas ang maaaring makita o basehan sa indibidwal na mayroong SARS, aniyay kailangang makaranas ang pasyente ng lahat ng mga sintomas nito kagaya ng pag-uubo, matinding pananakit ng dibdib, likod, lalamunan, hirap sa paghinga at mataas na lagnat. (Ulat nina Butch Quejada at Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended