^

Metro

3 tanod tugis sa tangkang pag-salvage sa parlor owner

-
Hinahanting ngayon ng pulisya ang tatlong barangay tanod na nagtangkang mag-salvage sa isang parlor owner kahapon ng umaga sa Taguig.

Pinaghahanap ngayon ng pulisya ang mga suspect na nakilalang sina Gilbert Lopez, June Reyes at isang hindi pa nakikilalang kasamahan nito, pawang mga barangay tanod sa Western Bicutan, ng bayang ito.

Kasalukuyang ginagamot sa Rizal Memorial Medical Center ang biktimang si Cesar Grancia, 40, na nagtamo ng tama ng bala sa mukha.

Base sa report ng pulisya, nagtungo ang mga suspect sa bahay ng biktima sa Champaca St., Sitio Sto. Niño, Brgy. Bicutan, Taguig at inimbitahan ito na sumama sa kanilang barangay hall.

Habang binabagtas ng mga suspect ang kahabaan ng service road sa Western Bicutan ay biglang bumunot ng di pa mabatid na kalibre ng baril ang isa sa suspect at pinaputukan ang biktima. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BICUTAN

CESAR GRANCIA

CHAMPACA ST.

GILBERT LOPEZ

JUNE REYES

LORDETH BONILLA

RIZAL MEMORIAL MEDICAL CENTER

SITIO STO

TAGUIG

WESTERN BICUTAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with