^

Metro

Higit pa sa 7 Fil-Shams peke talaga!

-
Siniguro kahapon ni Senator Robert Barbers na mas maraming mga Fil-Shams ang mapapatalsik palabas ng bansa dahil sa pinanghahawakang ebidensiya ng Senado na peke ang pagiging Filipino ng mga ito.

Sinabi ni Barbers, chairman ng senate committee on games, amusements and sports na mahihirapan ang mga sinasabing Fil-Shams ng Philippine Basketball Association (PBA) na kontrolin ang pinanghahawakan nilang ebidensiya na nagpapatunay na peke ang pagiging Pinoy ng mga ito.

Inihayag ni Barbers na irerekomenda rin ng komite na kasuhan ng kriminal at administratibo ang ilang opisyal sa Bureau of Immigration (BI) na pinaniniwalaang sangkot sa pamemeke ng mga papeles ng mga Fil-Shams na ito para lamang makapaglaro sa PBA.

Aniya, hindi lamang pito kundi higit pa rito ang inaasahan niyang mapapatalsik palabas ng bansa sa sandaling matapos ang isinasagawang pagdinig ng kanyang komite kaugnay sa mga Fil-foreign players na ito.

Winika pa ni Barbers, habang hindi pa nakakasuhan at lumalabas ang rekomendasyon ng Senado ukol sa mga dayuhang manlalarong ito ay puwede pa silang makapaglaro sa PBA.

"Pero sa sandaling matapos ang imbestigasyon ukol dito ay sinisiguro kong itatapon sila palabas ng bansa at hindi na papayagan pang makabalik dito," dagdag pa ni Barbers.

Magugunita na ilang Fil-Shams sa PBA ang natuklasan ng investigation team ni Barbers na peke ang pagiging Filipino makaraang puntahan ang sinasabing lalawigan ng umano’y kanilang mga ninuno.

Lumabas sa resulta ng imbestigasyon na fictitious lamang ang mga ibinigay na detalye ng mga ito sa kanilang sinasabing mga ninuno. Hindi kilala ang mga ito sa lugar na kanilang binanggit at maging sa local civil registrar ay walang rekord.

Kabilang sa mga natuklasang kahina-hinala ang pagiging Pinoy ay sina Rudy Hatfield ng Coca-Cola; Paul Asi Taulava ng Talk N Text; Jonathan Ordonio ng Alaska; Eric Menk ng Ginebra at Dorian Peña ng San Miguel. Ang iba pa ay saka na umano ibubunyag ang pangalan sa susunod na pagdinig ng komite. (Ulat ni Rudy Andal)

BUREAU OF IMMIGRATION

DORIAN PE

ERIC MENK

FIL-SHAMS

JONATHAN ORDONIO

PAUL ASI TAULAVA

PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION

PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with